Pages

Saturday 4 May 2013

Caloocan Rape Case vs Malapitan – Motion for Production of Judicial Documents




Nag harap kahapon May 3, 2013 ng umaga ang kampo nila “Mila” at ang kampo nila Dale “Along” Malapitan sa Regional Trial Court ng Caloocan, Ayon sa abogado ni “Mila” na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, inihain na nila ang Motion for Production of Judicial Documents ng biktima. Ayon kay Atty. Angeles, may 5 araw pa ang aantayin bago makapag desisyon ang korte kung papayagang makuha nila ang records. Sa ngayon inihain pa lamang sa korte ang motion.

Wala din daw ibinigay ang korte ng paliwanag kung bakit na dismissed ang kaso nung una itong isinampa laban kay Malapitan. Ayon din kay Atty. Cruz nag hain ng Oral Opposition ang Legal counsel ng akusado. Depende na rin daw sa matatanggap na records kung kayang mabuhay muli ang kaso, Nag padala na rin daw sila ng follow-up letter kay Sec. Soliman ukol sa kaso dahil ayon sa DSWD pinag-aaralan pa raw ng legal counsel kung ano ang isasagot nila.
Bigo pa rin kami na makuha ang panig nila Malapitan tungkol sa kaso.

No comments:

Post a Comment