Pages

Sunday, 28 April 2013

Makapangyarihan Laban sa Ordinaryong Tao






Sa mahigit tatlo at kalahating taon na nanalagi si “Mila” sa DSWD sa taong 2008 hangang 2011, siya ay nagpasyang umalis sa pangangalaga ng ahensiya sa kadahilanang na “dismiss” ang kanyang kaso ng wala siyang sapat na kaalaman sa kung anong nangyari sa paglilitis ng kanyang kaso.



At sa taong kasalukuyan, nabigla ang dalaga nang marinig at makita sa telebisyon na ang taong gumawa ng pang-bababoy sa kanya ay kasalukuyang tumatakbo bilang kongresista sa lungsod ng Caloocan.

Ang tanong ng nakakarami: Anong motibo ng dalaga sa paglantad niya ngayon sa kasagsagan ng kampanya? Sagot ng dalaga: Na alarma siya, sumama ang kanyang loob at nabuhay ang kanyang galit dahil siya rin ay isang mamamayan ng Caloocan.

Natakot siya na ang tumutakbong kongresista ay posibleng maging ama ng bayan ng Caloocan at posible rin na hindi lang siya ang pwedeng maging biktima. Sinira ng tumatakbong kongresista ang buhay at pagkatao ng dalaga ayon na rin sa kanya.

Ang mabigat na tanong ng nakakarami: Bakit ayaw bigyan ng kopya ng sarili niyang Case Folder ang naturang dalaga. Ayon sa DSWD may polisiya daw silang sinusunod para i-deny ang naturang “request” ng mga humihingi sa case folder ng biktima, dahil “confidential” daw eto.

Ang tanong ko: Kahit ba ang mismong biktima ang humingi ng kopya ay mali pa din dahil sa mga polisiya ng DSWD? Sa panig naman ng RTC branch 131 ng Caloocan, eto daw ay “dismissed” na at pinapangalagaan nila ang confidentiality din daw ng naturang kaso dahil eto ay nasa “Family court”.




Ayon sa nakalap naming impormasyon kailangan daw na mag-file ng “motion request” para makuha lamang ang nasabing case folder. At nang sa ganon ay maaring i-apela ng dalaga ang kaso. Sa naging “press con” tungkol dito na aking dinaluhan, namuo sa aking isipan ang mga tanong: Gaano ka-balanse ang hustisya ng ating bansa?

Nakakiling ba ito sa mga makapangyarihan at may pera kaya nakuha nila ang pabor ng mga husgado? Paano naman ang mga maliliit na mamamayan na walang kapangyarihan para ipagtangol ang kanilang mga sarili at ng kanilang mga pamilya?

Ang mga tanong na ito ay iiwanan ko po sa aming mga mambabasa at sa mga mamamayan ng Caloocan.
Kayo na po ang humusga.

Source: Joan Ganipis Padua



By: Atty. Trixie Cruz-Angeles
(Source : PSSST! Centro)





To know more about Trixie Cruz Angeles, check out: I AM TRIXIE CRUZ

No comments:

Post a Comment